TINIYAK ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na wala silang palulusutin na kahit isang litro ng langis sa Strait of Hormuz na nananatiling sarado kasunod ng pag-atake ng US at Israel sa Tehran.
Sinabi ng tagapagsalita ng IRGC na anumang barko na may kaugnayan sa Estados Unidos at Israel o maging kanilang mga kaalyado ay ituturing na legitimate target.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Nagbanta rin ang opisyal na asahang papalo sa 200 dollars per barrel ang presyo ng langis.
Ang pagsasara ng Strait of Hormuz, na dinadaanan ng one-fifth ng oil supplies sa mundo, at ang pagbaba ng produksyon sa ilang Gulf countries ay nagdulot ng pangamba dahil sa posibleng paglala pa ng sitwasyon.
