TINIYAK ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na lalaban pa rin ang Iran, kasabay ng pagbibigay-diin na wala silang plano na makipagkasundo sa Estados Unidos.
Ginawa ng Iranian official ang pahayag matapos sabihin ng White House na ongoing ang kanilang negosasyon.
Ayon kay Araghchi, walang nangyayaring negosasyon at naniniwala siya na ang kanilang posisyon ay “completely principled.”
Una nang nagbanta ang White House na dadalhin nito ang impiyerno sa Iran kung makikipagnegosasyon para sa Peace Deal sa US.




