NAGBANTA ang Iran na gaganti sila kapag inatake sila ng Amerika.
Sa kabila ito ng pagsuway ng mga nagpo-protesta sa government crackdown, kung saan ayon sa dalawang ospital ay mahigit isandaang katao na ang dinala sa kanila sa loob ng dalawang araw.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Una nang nagbabala si US President Donald Trump na aatakihin ang Iran kapag pumatay sila ng mga tao.
Sinagot naman ito ng parliament speaker ng Iran na kapag umatake ang Estados Unidos, magiging legitimate targets nila ang Israel at lahat ng US military at shipping bases sa rehiyon.
Sumiklab ang kilos protesta bunsod ng tumataas na Inflation, kasabay ng panawagan na wakasan na ang pamumuno ng supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei.
