HUMIHINGI pa ang International Criminal Police Organization ng dagdag na impormasyon kaugnay sa hirit ng National Bureau of Investigation na maisyuhan ng red notice si dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, normal na bahagi ito ng proseso kung saan humihiling ng supplemental information ang Interpol.
ALSO READ:
Posibleng maisumite ng NBI ang dagdag na mga impormasyon sa susunod na linggo.
December pa ng nakaraang taon nang hilingin ng NBI na maisyuhan ng Red Notice si Co.
Ito ay makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa dating mambabatas para sa kasong malversation at graft na kaniyang kinakaharap.




