NIRESPONDEHAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang insidente ng grass fire sa Taal Volcano Island.
Namataan ang usok sa Taal habang nagsasagawa ng coastal operations ang mga Coast Guard personnel sa bisinidad ng Taal Lake.
ALSO READ:
Agad namang nag-deploy ng watercraft at maingat na inapula ang apoy.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, maaaring ang matinding init ng panahon ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
Nananatiling limitado ang pagpasok sa Taal Volcano Island na bahagi ng Permanent Danger Zone dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.




