PALALAWAKIN at dadagdagan pa ang pondo ng dalawang malalaking flood-control projects na Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV.
Ito ay matapos aprubahan ng National Economic and Development Authority Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tatagal ang konstruksyon ng CIA-FRIMP mula Abril 2025 hanggang Setyembre 2029.
Lumobo rin sa P22.03 ang project cost o alokasyon, na 122.79% na mas mataas mula sa orihinal na P9.9 bilyon.
Binago rin ng NEDA board ang loan reallocation na nagkakahalaga ng JPY1.042 billion mula sa consulting services (JPY 384 billion) at contingencies.
Layunin ng proyekto na matugunan ang flood damage ng San Juan River Basin AT Maalimango Creek Drainage Area sa Cavite province.
Samantala, inaprubahan din ng NEDA board ang 74.32-percent increase o P24.599 bilyon na na total project mula sa kasalukuyang P33.097 bilyon sa P57.696 bilyon para sa PMRCIP Phase IV.
Nakapaloob din dito ang pagbabago sa disensyo ng Middle Marikina River, drainage facilities, at iba pang karagdagan, para sa layuning maibsan ang pagbaha sa Metro Manila bunga ng pag-apaw ng Pasig-Marikina River. Inaasahang makikinabang dito ang mga residente ng Pasig City, Marikina, Quezon City, at mga bayan ng Taytay at Cainta sa Rizal.
(CY)