TINIYAK ng hepe ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Southern Leyte First District Engineering Office na lahat ng Construction Projects na pinangangasiwaan at ipinatutupad sa kanyang lugar ay sumailalim sa Regular Monitoring, gamit ang makabagong teknolohiya at mahigpit na pagbabantay.
Sa Press Conference, iginiit ni District Engineer Manolo Rojas na walang Ghost Projects sa lugar na kanyang nasasakupan, mula aniya sa Maasin City hanggang sa munisipalidad ng Bontoc, kabilang ang isla ng Limasawa.
ALSO READ:
Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Opong sa Calbayog City, hinatiran ng ayuda ng DSWD
DA, magbebenta ng benteng bigas sa Eastern Samar matapos hagupitin ng Bagyong Opong
MSMEs sa Eastern Samar, naghahanda na para sa Bahandi Trade Fair 2025
Calbayog City, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Opong
Idinagdag ni Rojas na mahigpit din nilang sinusunod ang Standards batay sa Specifications ng Infrastructure Projects.