INANUNSYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mabilis nilang tatapusin ang matagal nang naantalang infrastructure projects sa Baguio at Benguet, pati na ang rehabilitasyon sa Kennon Road.
Sa inspeksyon ng ongoing projects sa Baguio City, tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon sa mga lokal na opisyal na malapit nang makumpleto ang naantalang rock shed at sections ng Kennon Road na nag-collapse noong nakaraang taon.
Ang direktiba ay kasunod ng commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang road at bridge improvements sa Cordillera Region upang matiyak ang mas ligtas at mas reliable na transportasyon.




