NANUMPA para sa panibagong termino na pitong taon ang 92-year old leader na si Paul Biya ng Cameroon, bilang presidente, sa isang seremonya sa parlyamento sa Yaoundé.
Naipanalo ni Biya ang kontrobersyal na ikawalong termino sa mahigpit na pinagtalunang elekson noong nakaraang buwan.
Apatnapu’t tatlong taon nang nasa poder ang Cameroon leader, at isang Campaign Rally lamang ang kanyang dinaluhan bago ang halalan. Nauwi naman sa madugong kilos-protesta ang pag-anunsyo sa resulta ng eleksyon na ikinasawi ng apat katao.




