25 April 2025
Calbayog City
National

Importasyon ng 25,000 metric tons ng isda, inaprubahan ng DA

INAPRUBAHAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pag-aangkat ng 25,000 metric tons ng frozen fish at aquatic products, sa pagsasabing kailangan ito upang mapababa ang inflation.

Sa Memorandum Order 51, sinabi ni Laurel na 24,000 metric tons ang inilaan para sa importasyon ng salmon, pusit, tuna, black-cod, gindara, halibut sardines at red snapper.

Ang natitira namang 1,000 metric tons ay para sa small pelagic fishes na ibebenta sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) Program.

Tinukoy ng kalihim ang hirit na paglalabas ng Certificate of Necessity to Import, sa ilang partikular na isda upang bumagal ang inflation, matiyak ang food security, at dumami ang mapagpipiliang pagkain.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).