KINUMPIRMA ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil, na pormal na nitong nai-transmit sa Office of the Speaker ang impeachment complaint laban kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Garafil, ang pagtransmit ng verified impeachment complaint kay House Speaker Faustino Bojie Dy III ay ‘established procedure’ ng kanyang tanggapan.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Dahil dito, nagsimula na ang Kamara sa kanilang internal process upang gampanan ang constitutional mandate na iniatang sa kanila.
Dagdag pa ni Garafil, administrative lamang ang kanyang papel subalit ito ay strictly guided ng Saligang Batas, House Rules at long-standing protocol.
Siniguro din nito na ang mga dokumentong isinumite ng complainant na si Atty. Andre De Jesus, at duly endorsed ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay ay properly entered, nai-record at naipadala sa kinauukulang tanggapan.
