PINANGUNAHAN ni Samar Governor Sharee Ann Tan ang pamamahagi ng Fuel Subsidy Cards sa 615 na kwalipikadong mangingisda mula sa sampung munisipalidad sa lalawigan, sa isang seremonya na ginanap sa Samar Provincial Gymnasium.
Ang assistance na pinangangasiwaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Samar Provincial Fisheries Office ay bahagi ng fuel subsidy initiative ng National Government.
Idinisenyo ito para tulungan ang maliliit na mangingisda upang makaagapay sa tumataas na presyo ng petrolyo at ma-sustain ang kanilang kabuhayan.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Fuel Subsidy Card na nagkakahalaga ng 3,000 pesos na maaaring gamitin sa pagbili ng gasolina o diesel para sa kanilang motorized fishing boats.




