TIMBOG ang dalawang Pinoy na dumating sa NAIA galing Thailand matapos ma-trace ang illegal substances na lamang ng kanilang bagahe.
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang dalawang pasahero matapos lumitaw sa Xray ang kahina-hinalang laman ng kanilang bagahe.
Sa isinagawang physical inspection, nadiskubre ng mga otoridad sa loob ng bagahe ang 199.5 milliliters ng yellowish liquid substance na hinihinalang langis ng tsongke marijuana.
Bagaman iginiit ng dalawa na medical products ang kanilang dala, sinabi ng Customs na ang pag-aangkat ng dala nilang produkto ay mahigpit na ipinagbabawal.
Mahaharap ang mga pasahero sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.




