KINUMPIRMA ng Department of Information and Communication o DICT na sa kasagsagan ng mga Anti-Corruption Rally noong Linggo ay tinarget ng hackers ang iba’t ibang Website ng gobyerno.
Ayon sa DICT, kabilang sa nabiktima ng hack attempt ang website ng Department of Budget and Management, Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Bureau of Treasury, Department of Foreign Affairs, at ilang Regional Offices ng Department of Education.
Finger Heart Sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng Bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Sinabi ni DICT Secretary Henry R. Aguda, ang website ng nasabing mga ahensya ng gobyerno ang nakaranas ng temporary disruptions gaya ng defacement at denial-of-service.
Mabilis naman itong naaksyunan at minimal lamang ang naging impact sa website.
Kinumpirma ni Aguda na kabilang ito sa pinaghandaan ng gobyerno ilang linggo na ang nakararaan.