KINUMPIRMA ni Interior Secretary Jonvic Remulla na 11 vice mayor at posibleng isang mayor ang bumiyahe sa Dubai noong nakaraang Linggo ang stranded, kasunod ng sumiklab na kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Remulla, umalis ang mga opisyal gamit ang kanilang sariling pera at binigyan sila ng travel authority basta walang pondo ng gobyerno na maaaksaya.
Idinagdag ng kalihim na hindi pa pormal na humihingi ng tulong sa kanyang opisina ang mga opisyal at bini-verify pa ang reports na isang mayor ang posibleng bumiyahe ng walang required travel authority.




