22 November 2024
Calbayog City
National

Ilang miyembro ng “Angels of Death” ni Pastor Apollo Quiboloy, tukoy na ng PNP

TUKOY na ng PNP ang ilan sa mga posibleng miyembro ng umano’y private army o “Angels of Death” ni Pastor Apollo Quibiloy.

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo na mayroon nang hawak si Police Regional Office 11 (PRO 11) Chief, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, na mga pangalan ng pinaghihinalaang miyembro ng grupo.

Aniya, ginagamit umano ang Angels of Death para takutin at saktan ang sinumang magbubunyag ng mga sekretong nangyayari sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) building.

Una nang inihayag ng PNP na ilan umanong sex slaves ni Quiboloy, na mga menor de edad, ay nagsumbong na tinatakot sila ng Angels of Death, kung sasabihin nila sa iba ang mga sekswal na pang-aabuso sa compound ng KOJC.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.