IBINUNYAG ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na ilang kongresista ang tumanggap ng dalawang milyong pisong “Christmas bonus.”
Ayon kay Leviste, ang paglalabas ng umano’y bonus ay nagkataong halos kasabay ng approval ng 2026 National Budget.
Idinagdag ng kongresista na nang aprubahan ng Kamara ang Proposed 2026 Budget sa third and final reading noong Oktubre, ilang mambabatas ang tumanggap din ng 1.5 million pesos.
Aniya, ang pondo ay galing sa Budget para sa maintenance at iba pang operating expenses ng mababang kapulungan.
Ginawa ni Leviste ang alegasyon matapos mabigo na maihayag ang kanyang privilege speech o ipaliwanag ang kanyang boto laban sa ratipikasyon ng Proposed 2026 Budget sa House Plenary Session kahapon.




