NANANATILING under construction ang Flood-Mitigation Projects sa Navotas City, subalit umaasa ang mga residente na matatapos na ang mga proyekto.
Ito’y matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang “sumbong sa pangulo” platform upang mapanagot ang mga sangkot sa hindi gumagalaw o palpak na projects.
Batay sa website ng pangulo, nasa limampung Flood Control Projects ang naka-record sa Navotas.
Gayunman, ilan sa mga ito ay under construction, gaya sa Barangay Tanza Dos, na may isang dike na ilang kilometro ang haba, at pumping stations para maibsan ang baha at maging independent mula sa Navigational Flood Gate.
Sa bahagi naman ng Barangay Tangos North, mayroong apat na naitalang Flood Control Projects simula 2022 hanggang 2025.