INIHAIN ng religious groups, mga pari at abogado ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil ito sa umano’y betrayal of public trust, graft and corruption, at iba pa, kaugnay ng sinasabing maling paggamit ng 612 million pesos na halaga ng confidential funds.
Travel Ban, hindi pa kailangan sa kabila ng insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus
Sen. Marcoleta, itinangging nanawagan siyang i-give up ang Kalayaan Island Group
Pagbasura sa impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos, pinal nang pinagtibay ng House Panel
Goitia: Panindigan para sa Soberanya ng Pilipinas Panahon ng Linaw at Panindigan
Ayon kay Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants, ang kanilang reklamo ay batay sa findings ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice President at ng Department of Education sa ilalim ni Duterte.
Kasama rin ang assassination threat ng bise presidente laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang akusasyon ng isang Ramil Madriaga na nag-uugnay kay Duterte sa drug money.
Kabilang din sa complainants si Mamamayang Liberal (ML) Party-List Rep. Leila De Lima.
Ang unang impeachment complaint laban kay VP Sara ay isinampa ng mga miyembro ng Makabayan Coalition at mga kaalyadong grupo habang ang ikalawa ay inihain ng civil society organization na Tindig Pilipinas at inendorso nina De Lima at Akbayan Party-List Rep. Perci Cendaña.
