NANINIWALA si Senator Bam Aquino na dapat sumailalim sa mas malawak na konsultasyon ang plano ng Department of Education na ipatupad ang trimester system sa mga paaralan.
Ayon kay Aquino, na siyang chairman ng Senate Committee on Basic Education, dapat magkaroon muna ng dayalogo sa usapin.
ALSO READ:
Nais din ni Aquino na magpatawag ng pagdinig sa Senado para matalakay ang panukala.
Ayon sa senador, bagaman suportado nito ang pagpapatupad ng reporma para matugunan ang learning gap at matulungan ang mga guro, hindi naman dapat padalos-dalos ang DepEd sa desisyon.
Una nang sinabi ni DepEd Sec. Sonny Angara, ma-target nang ipatupad ang trimester sa School Year 2026-2027.




