BINIGYANG diin ni Mark Herras na trabaho lang ang nag-viral na video niya habang sumasayaw sa isang gay bar.
Sa latest vlog ni Toni Gonzaga, sinabi ng aktor na pumayag siyang mag-perform sa Apollo Male Entertainment Bar sa Parañaque City, dahil panibagong source of income ito para sa kanya.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Aniya, inalam muna niya kung anong klase ng bar, at nang malaman niyang gay bar at sayaw lang naman ang kanyang gagawin ay wala siyang nakitang problema.
Ipinaliwanag ni Mark na ang pagpe-perform sa isang gay bar ay kapareho rin ng sa ibang alok na trabaho sa kanya, gaya ng pagtatanghal sa mga Fiesta at TV Shows.
Nagkataon lang aniya na gay bar ang nag-alok ng trabaho at hindi naman siya naghubad, kasabay ng paggiit na hip hop ang kanyang sinayaw.
Idinagdag din ni Mark na hindi siya humihingi ng awa sa mga tao, at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maitaguyod ang kanyang pamilya.
