ITINANGGI ng Independent Commission for Infrastructure na inimbitahan na si Senator Bong Go para humarap sa imbestigasyon bilang resource person sa Flood Control Scandal.
Ayon kay ICI Spokesperson Brian Hosaka, sa ngayon ay wala pang ipinadadalang imbitasyon kay Go.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Dating Senador Antonio Trillanes IV na may natanggap syang impormasyon na inimbitahan na ng ICI si Go subalit ayaw umano nitong humarap sa komisyon.
Magugunitang isinumite ni Trillanes ang kopya ng kaniyang reklamong Plunder at Graft laban kay Go at kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang reklamo ay may kaugnayan sa 7 billion pesos na halaga ng Government Infrastructure Projects na nai-award sa kumpanyang pag-aari ng ama at kapatid ni Go.
