3 July 2024
Calbayog City
Provincial

Mahigit P3-M halaga ng tanim na marijuana, sinunog sa Cordillera

marijuana

Umabot sa 3.4 million pesos na halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera.

Bahagi ito ng kampanya ng pdea na mawasak ang mga pananim na marijuana sa rehiyon.

Ang nasabing halaga ng marijuana plants ay nakumpiska sa dalawang plantasyon na nadiskubre ng PDEA sa Barangay Butbut, Tinglayan sa Kalinga.

Humigit-kumulang 17,000 na piraso ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog. Wala namang naaresto sa ginawang operasyon dahil walang naabutan sa lugar ang mga otoridad.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *