TINAYA sa isandaan at sampu katao ang bahagyang nasugatan sa Wildfire na mabilis kumalat at umabot na sa boundary ng Marseille, na ikalawa sa pinakamalaking lungsod sa France.
Ayon sa Interior Ministry, kabilang sa mga nasugatan ang siyam na bumbero at dalawampu’t dalawang pulis.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Nasa walundaang bumbero ang nasa site at sinisikap apulahin ang apoy, subalit hindi pa rin ito nakokontrol.
Sa ulat ng French Media, hindi bababa sa apatnaraang indibidwal ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.
Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga bahay at huwag munang lumikas hangga’t walang abiso, upang ma-clear ang mga lansangan para sa Emergency Vehicles.
