3 November 2025
Calbayog City
National

Iba’t ibang ahensya ng gobyerno pinakilos ni Pang. Marcos sa oil spill sa Bataan

ahensya ng gobyerno marcos

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan para i-assess ang epekto ng oil spill matapos ang paglubog ng isang oil tanker sa Bataan. 

Partikular na inatasan ng pangulo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), at ang Philippine Coast Guard (PCG) na pangunahan ang assessment.

“Can we add an instruction to the DENR to make already an assessment on the environmental impact of this?,” ayon sa pangulo sa idinaos na situation briefing sa Presidential Security Command compound.

Partikular na pinatukoy ng pangulo ang eksaktong lokasyon ng lumubog na tanker.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.