SUMABAK ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia sa kanyang kauna-unahang singing lessons.
Sa Instagram post ng celebrity vocal teacher na si Jade Riccio at ng RMA Studio Academy, makikitang kasama ni Dahlia si Erwan sa lesson.
ALSO READ:
Inawit ng five-year-old na si Dahlia ang “A Million Dreams” mula sa pelikulang “The Greatest Showman.”
Ayon sa caption, ang first lesson ng bata ay tungkol sa tamang paghinga at finding comfort.
Ikinasal sina Anne at Erwan noong 2017 at dumating sa kanila si Dahlia makalipas ang tatlong taon.




