INAPRUBAHAN ng Regional Wage Board ang dagdag na 20 hanggang 30 pesos sa minimum wage ng mga manggagawa sa Davao Region.
Ayon sa Department of Labor and Employment, sa bisa ng Wage Order, ibibigay ng dalawang tranche ang dagdag-sahod na nakatakda sa March 13 at sa September 1, 2026.
ALSO READ:
Sa March 13, aabot na sa 515 hanggang 525 pesos ang minimum wage sa rehiyon, habang sa September 1 ay tataas pa ito sa 525 hanggang 540 pesos.
Samantala, inaprubahan din ng Wage Board ang pagtataas ng buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon.
Mula sa kasalukuyang 5,000 to 6,000 pesos ay magiging 6,500 pesos na ang minimum na sweldo ng mga kasambahay sa Davao Region simula sa March 13.




