ISANG cargo truck ang bumaliktad sa San Juanico Bridge, dahilan para mahulog sa dagat ang isa sa mga pahinante nito.
Nasagip naman ang pahinante habang nagdulot ng abala sa trapiko ang naturang aksidente.
ALSO READ:
Nangyari ito alas nueve y medya ng gabi noong Biyernes habang tumatawid ang truck sa tulay mula sa Samar patungong Tacloban City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nasilaw umano ang driver sa headlights ng paparating na sasakyan, kaya para makaiwas sa posibleng banggaan ay kinabig nito ang manibela, dahilan para matumba ang truck at bumalagbag sa barikada ng tulay.
Tuluyan namang naalis sa tulay ang truck noong Sabado at naibalik na normal ang daloy ng mga sasakyan.




