KINILALA ang City Government ng Calbayog ng prestihiyosong 4Ps Champion Award sa Panata Ko sa Bayan Awards Ceremony sa Tacloban City.
Tinanggap ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang award mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 – Eastern Visayas sa People’s Center.
Ang naturang pagkilala ay patunay ng pagtutulungan ng mga opisyal ng lungsod, community partners, at mismong mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sinamahan si Mayor Mon ni Donato Albelda Jr., OIC ng City Social Welfare and Development Office – Calbayog City, Samar.