28 January 2025
Calbayog City
National

Napakataas na kaso ng Childhood Pregnancy, ikinaalarma ng DOH

IKINABAHALA ni Health Secretary Ted Herbosa ang tumataas na kaso ng pagbubuntis sa mga kabataang babae, edad kinse pababa, nitong mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Herbosa na sa ngayon ay mayroon nang “very high incidence” ng childhood pregnancy sa bansa.

Tinukoy ng kalihim ang 2022 data mula sa Philippine Statististics Authority (PSA), kung saan 59 percent ng 15 years old pababa, ang nabubuntis sa kada isandaanlibong populasyon.

Ipinaliwanag ng Health Chief na ang “teenage pregnancy” para sa mga kinse anyos pababa, ay ikinu-konsiderang “childhood pregnancy.”

Sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, nakasaad sa datos ng psa na sa mga kabataang babae, edad kinse pababa, 39.39 per 100,000 ang nabuntis at tumaas pa ito sa 44.06 noong 2021 at 59.34 noong 2022.

Iniugnay ni Herbosa ang tumataas na childhood pregnancy rate sa paggamit ng internet, peer pressure, at kagustuhang makatakas sa kahirapan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).