NATAPOS ang kampanya ni Filipino Tennis Ace Alex Eala sa 2026 Miami Open, matapos padapain ng higher-seeded na si Karolina Muchova sa score na 6-0, 6-2 sa kanilang Round of 16 match.
Ang lopsided defeat ang dahilan ng pag-exit ng bente anyos na Pinay mula sa kaparehong tournament na naging dahilan ng kanyang mabilis na pag-usad noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Magugunitang tinalo ni Eala ang iba’t ibang Top 10 players patungo sa Semifinal finish ng Miami noong 2025. Ngayong taon ay umabot ang Pinay tennis superstar sa Round of 16 matapos manalo laban kina Laura Siegemund sa Round of 64 at Magda Linette sa Round of 32.




