MAS marami pang personalidad ang maiisyuhan ng subpoena kaugnay sa isyu ng flood control scandal.
Ayon sa Department of Justice, sa susunod na linggo posibleng maipalabas na ang subpoena laban kina Senator Jinggoy Estrada at dating Public Works Secretary Manny Bonoan hinggil sa reklamong plunder.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Sa pahayag sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon, posibleng tumagal ng hanggang dalawang buwan ang proseso kabilang ang pagsasagawa ng preliminary investigation.
Samantala, inaasahan namang matatapos na ang preliminary investigation sa reklamong malversation of public funds laban naman kay Senator Joel Villanueva.
Ani Fadullon, bago matapos ang buwan ay ituturing nang submitted for resolution ang reklamo.
Respondent si Villanueva sa mga reklamo laban sa mga contractors na Wawao Builders at Topnotch Catalyst Builders Inc. dahil sa mga ghost flood control projects sa Bulacan.
