20 March 2026
Calbayog City
National

Paglalaan ng P10 bilyon para sa mga magsasaka at mangingisda, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalaan ng sampung bilyong piso para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na layunin ng bagong direktiba mula sa presidente na palawakin ang Fuel Subsidy Program at isama ang “food producers” sa mga benepisyaryo.

Idinagdag ni Recto na ang pinakabagong inisyatibo ay makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda na makaagapay sa epekto ng tensyon sa Middle East na dahilan ng global oil price hikes.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.