INATASAN na ng Department of Energy ang Oil Industry Management Bureau na bantayan ang Oil Industries laban sa posibleng pananamantala sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa press briefing sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, dapat tiyakin na walang pang-abuso sa panig ng Oil Industries kaugnay nang nangyayaring kaguluhan ngayon sa mga bansa sa Middle East.
Tulong ng Japan sa Philippine education, tiniyak sa DepEd
LTFRB, inabisuhan na ang mga tsuper na ipa-validate o papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards
Paggawad ng special power kay PBBM para maibaba ang excise tax sa langis, aprub sa 1 senador
Unregistered lending platforms nagkalat online, ayon sa CICC
Kabilang sa tinitingnan ng DOE ang posibilidad na mag-hoard ng suplay ang mga oil companies o mga gasoline station.
Posible aniyang itago ang suplay nila ng langis at saka lamang ilabas kapag sumirit na ng husto ang presyuhan.
Tiniyak ni Garin na nakatutok na dito ang ahensya kasunod na rin ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bantayan ang posibleng insidente ng hoarding.
