Naglaan ang House Committee on Good Government and Public Accountability ng isang milyong pisong pabuya kapalit ng impormasyon tungkol kay “Mary Grace Piattos” na naka-pirma sa karamihan ng acknowledgement receipts para sa confidential funds ng mga opisina na nasa ilalim ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Zambales Rep. Jeff Khonghun, Vice Chairman ng komite, ang anunsyo, makaraang tawagin ni Vice President Sara Duterte na politically motivated, sa halip na in aid of legislation, ang ginagawang pagbusisi ng Kamara sa budget ng Office of the Vice President (OVP) at sa pinamunuan niyang Department of Education (DepEd).
Paalala ni Goitia sa Bayan: Habang May Paninira, Tuloy ang Pagtatrabaho ng Pangulo at Unang Ginang
VP Sara, hindi sinagot kung handa ba siyang mag-take over kapalit ni PBBM
Ika-2 public auction sa 4 na sasakyan ng mga Discaya, ikinakasa na ng BOC
DPWH MIMAROPA engineer na dawit sa flood control scandal, inaresto sa Quezon City
Binigyang diin ni Khonghun na mahalagang malaman ang katotohanan, at makilala ang mga taong tumanggap mismo ng pondo at pumirma sa resibo, upang makadalo at makausap nila sa hearing.
Una nang nabunyag na nagsumite ang OVP at DepEd ng mga dokumento na mayroong maling mga petsa, pirma na walang pangalan ng signatories, at hindi mabasang pangalan ng signatories para ma-justify ang disbursement ng kanilang confidential funds simula 2022 hanggang 2023.
