PORMAL na hiniling ni House Minority Floor Leader Marcelino Libanan ng 4Ps Party-list ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang Flood Control Projects sa Eastern Samar.
Sa gitna ito ng dumaraming Reports ng korapsyon at maling paggamit ng Infrastructure Funds sa lalawigan.
Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Opong sa Calbayog City, hinatiran ng ayuda ng DSWD
DA, magbebenta ng benteng bigas sa Eastern Samar matapos hagupitin ng Bagyong Opong
MSMEs sa Eastern Samar, naghahanda na para sa Bahandi Trade Fair 2025
Calbayog City, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Opong
Sinabi ni Libanan na dating kinatawan ng Eastern Samar, na nagpatulong siya sa NBI para silipin ang mga proyektong ipinatupad simula 2020 hanggang 2025, at maging mas mga nauna pa kung mayroong Records.
Ang hiling ng kongresista ay kasunod ng Reports na Multi-Million Peso Projects sa Hernani at Llorente ay idineklarang kumpleto na sa papel, subalit hindi pa naman nasisimulan.
Ang proyekto sa Hernani na nagkakahalaga ng 192 million pesos at ang Llorente Project na 177 million pesos ay dapat tapos na noong pang Enero.