Posibleng sa susunod na linggo ay maibababa na ng COMELEC ang resolusyon sa petisyon na i-ban ang service provider na Smartmatic sa bidding para sa susunod na halalan sa bansa.
Sa press conference, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na umaasa silang sa miyerkules ay mayroon na silang draft resolution at maiprisinta nila ito sa en banc para sa approval o rejection.
Ipinaliwanag ni Garcia na bago nila simulan ang pagbubukas ng mga alok ay maresolba muna nila ang isyu hinggil sa disqualification ng Smartmatic.
Kamakailan lamang ay opisyal nang binuksan ng poll body ang bidding para sa 18.827-billion peso lease contract para sa bagong automated election system na gagamitin sa 2025 midterm elections.