INUMPISAHAN na ng Northern Samar Provincial Government ang social preparation initiatives para sa mga komunidad na inaasahang pagtatayuan ng Offshore Wind Power Project.
Ayon kay Jhon Allen Berbon, head ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO), iro-rollout ang community readiness and engagement activities, sa tulong ng Non-Government Organization Fisheries Reform (NFR).
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Pagkukumpuni sa 2 tulay sa Eastern Samar, pinabibilisan sa DPWH ng Provincial Government
Fuel Subsidy Program para sa TODA drivers, naisapinal na ng Calbayog LGU
Nakatutok aniya ang diskusyon kasama ang NFR officials sa proposed 650-megawatt offshore wind farm.
Inihayag ni Berbon na binigyang diin ng NFR ang papel nito na itaas ang kamalayan sa Local Government Units at coastal communities tungkol sa renewable energy development, kabilang ang potential benefits at ang pangangailangan na pangalagaan ang coastal at marine resources.
