IDINEKLARA ng House Committee on Justice na “sufficient in form” ang impeachment complaints na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang dalawang impeachment complaints ay inihain ni Atty. Andre De Jesus at ng progressive group leaders at congressmen mula sa Makabayan Bloc.
Ang unang complaint na inihain ni De Jesus ay tumanggap ng 46 affirmative votes, 1 negative vote, at 1 abstention; habang ang ikalawang reklamo ay mayroong 35 affirmative votes, 9 negative votes at 1 abstention.
Tutukuyin naman ng komite ngayong Martes kung ang dalawang complaints ay “sufficient in substance.”




