MATAPOS ang walong taong konstruksyon, limampu’t siyam na porsyentong kumpleto na ang Leyte Tide Embarkment Project na idinisenyo para harangan ang mga komunidad sa tabing dagat mula sa malalaking alon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ilang araw bago ang ika-sampung anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda, inilarawan ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar ang Tabacon bilang “Very Challenging” ang pagtatayo ng 38.12-kilometer storm surge protection mula sa Tacloban City patungong Bayan ng Tanauan.
Simula aniya nang umpisahan nila ang konstruksyon noong 2016 ay iba’t ibang problema ang kanilang tinugunan.
Nakadepende rin sa available na pondo na ibababa ng National Government kung kailan matatapos ang proyekto.