NAGDAOS ng Public Hearing ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR para sa mga petisyon na humihiling na itaas ang Minimum Wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Dumalo sa isinagawang Public Hearing ang stakeholders mula sa Labor Sector at Management Sector sa NCR.
Sa isinagawang Hearing tinalakay ang kani-kanilang posisyon at mga concern sa kahilingang itaas ang Minimum Wage sa rehiyon.
Ayon sa Regional Wage Board kinakailangang dinggin ang panig ng mga manggagawa at ng mga employer bago pagpasyahan ang mga petisyon para sa Dagdag-Sahod.
Bago ang hearing ay nakapagdaos na din ng Labor Sector Consultation noong May 22, 2025 at Management Sector Consultation noong May 28.
Ang mga opinyon at concern na ibinahagi sa consultation at Public Hearing ay magsisilbing gabay para sa isasagawang deliberasyon sa pagpapasya sa posibleng Wage Hike sa NCR.