KINUMPIRMA ng Northern Samar Provincial Health Office na tinutugunan nila ang hinihinalang kaso ng MPOX o tinatawag dating Monkeypox.
Sa Facebook post, inilarawan ng Provincial Health Office ang pasyente bilang bente kwatro anyos na lalaki na dalawang linggong history ng lagnat, panghihina ng katawan, at rashes.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Wala rin umanong travel history ang pasyente at ngayon ay inaalagaan sa NSPH, at naka-isolate at sumasailalim sa Confirmatory Testing sa MPOX.
Noong Sabado ay isang larawan ng indibidwal na kapansin-pansin na may rashes ang kumalat sa online, at ayon sa original source ay infected ng mpox ang pasyente at kasalukuyang naka-confine sa NSPH.
Nabatid na sinimulan na rin ng Northern Samar Municipal Epidemiology Surveillance Unit ang contact tracing.
