NAITALA ang highest annual passenger traffic sa Ninoy Aquino International Airport para sa taong 2025.
Ayon sa datos ng New NAIA Infra Corporation, umabot sa 52.02 million na pasahero ang naitala sa paliparan.
ALSO READ:
Ang buwan ng Disyembre ang maituturing na busiest month at umabot sa 4.88 million na pasahero ang naitalang bumiyahe.
Sa nasabing bilang, mahigit 2 million ang international travelers habang halos 3 million naman ang domestic passengers.
Sa year-end report ng NNIC, ibinida din ang mga improvements sa NAIA kabilang ang bagong Biometric Immigration E-Gates at upgraded na passenger processing systems at terminal facilities.




