BALIK bansa ang star opposite spiker ng Pilipinas na si Alyssa Solomon at sumama sa pagpapalakas ng national team para sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Nagpahinga muna ang produkto ng national university sa kanyang Japan S.V. League Campaign para sa JT Marvelous, para mapabilang sa national team sa Biennial Sporting Meet.
Isa itong welcome development para sa national team habang hinihintay na matapos ng kanilang Pool members ang ongoing 2025 PVL Reinforced Conference.




