KAHIT matindi ang pagsirit ng halaga ng produktong petrolyo, walang mararanasang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin sa susunod na tatlumpung araw.
Ayon sa Department of Trade and Industry, ito ang tiniyak sa ahensya ng mga manufacturers matapos ang pulong kay DTI Secretary Cristina Roque.
ALSO READ:
Dumalo sa pulong ang mga manufacturer ng canned goods, tinapay, bottled water, instant noodles, kape, sabon, kandila at iba pa.
Sinabi ni Roque na nangako ang mga kumpanya na pananatilihin ang kasalukuyang presyo ng kanilang mga produkto sa loob ng isang buwan.
May ilang manufacturer pa ang nangakong mananatili ang kanilang presyuhan sa loob ng animnapung araw.




