IKINUWENTO ng TV host na si Willie Revillame na muntik na siyang ma-scam ng halagang five hundred thousand pesos sa paniwalang si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo at si DILG Secretary Jonvic Remulla talaga ang tumawag sa kaniya.
Ayon kay Revillame, boses mismo ni Arroyo ang tumawag sa kaniya at sinabing kailangan nito ang tulong niya para sa mga biktima ng sunog sa Bulacan.
Kalaunan ay tumawag din sa kaniya ang kaboses ni Remulla para hingin na ang ipadadala niyang tulong.
Doon na umano siya nagduda at hiningi niya ang tulong ni Senator Imee Marcos para mai-double check muna kung talagang si Arroyo at Remulla ang kaniyang kausap.
Babala ni Revillame sa publiko na magdoble-ingat lalo at iba na ang kakayahan ngayon ng mga scammer.




