KWENTONG walang kwenta.
Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa umuugong na destabilization plot umano laban sa administrasyon.
ALSO READ:
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi na sana lumipad patungong Cebu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung mayroong basehan ang mga impormasyon.
Una nang naglabasan ang impormasyon na nagtaas umano ng alerto sa Malakanyang.
Samantala, sinabi rin ni Castro na walang balak ang administrasyon na magdeklara ng State of National Emergency sa gitna ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa ngayon, ani Castro, kontrolado pa ng gobyerno ang sitwasyon.
Sa panig ng Armed Forces of the Philippines ay sinabi nitong nananatili silang tapat sa kanilang mandato at sa Konstitusyon.




