HINIMOK ng Climate Change Commission (CCC) ang Local Governments na mag-adopt ng mga hakbang upang matugunan ang projection na 30% ng Metro Manila ang posibleng permanenteng malubog sa baha pagsapit ng 2040.
Bunsod ito ng tumataas na lebel ng dagat at umiigting na extreme weather events na iniuugnay sa climate change.
Ang tinukoy na forecast ay bahagi ng National Climate Assessment, kung saan tinukoy ang Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City, sa mga most flood-prone areas sa bansa.
Noong Setyembre ay iba’t ibang bahagi ng Quezon City ang lumubog matapos bumuhos ang ulan na pang-isang Linggo sa loob lamang ng tatlong oras.




