ANIMNAPU’T walong African migrants ang nasawi sa air strike ng Amerika sa isang detention center sa North-Western Yemen na kontrolado ng armadong grupong Houthi.
Sa report ng TV channel ng armed group na Al Masirah, apatnapu’t pitong iba pa ang nasugatan, na karamihan ay kritikal, matapos bombahin ang piitan sa Saada Province.
Ipinakita rin sa graphic footage ang mga katawan na narekober mula sa guho ng nawasak na gusali.
Nangyari ang pag-atake, ilang oras matapos ianunsyo ng central command na mahigit walundaang targets ang kanilang binomba, alinsunod sa atas ni US President Donald Trump na paigtingin ang air campaign laban sa mga Houthi.