INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinagkalooban ng Pardon ang animnapu’t walong Filipino Detainees sa United Arab Emirates (UAE).
Kasabay ng pasasalamat ay sinabi ng DFA na ang Humanitarian Pardon ay ipinagkaloob nang ipagdiwang ang Eid Al-Adha noong Hunyo.
Isa rin itong testamento ng kabutihan at katapatan sa matibay na relasyon ng Pilipinas at UAE at pangmatagalang regalo sa mga pamilya ng Pardoned Filipinos.
Hindi naman tinukoy ng ahensya ang eksaktong mga kaso o sirkumstansya sa pagkabilanggo ng mga Pinoy.